Masasabi na halos lahat ng mga Original Pilipino Music, o OPM, na
pinapakinggan ko ngayon ay mga kanta na sikat sa radyo noong 2005
hanggang mga 2007. Sa ngayon, medyo luma na ang mga kanta na ito. Hindi
na ako masyadong interesado sa OPM, pero hindi dahil sa ayaw ko na sa
kabuuan ng OPM. Ito ay dahil sa totoo lang, hindi na ako masyadong
nagagandahan sa mga bagong OPM na kanta na ipinapalabas.
Kaya
dahil walang bago (na gusto ko), nawalan ng kaunti ang interes ko sa
OPM. Pero noong napanood namin ang stage reading ng Sa Wakas, parang
nabuhay ulit ang interes ko dito. Nag download ako kaagad ng mga kanta
na nagustuhan ko sa Sa Wakas, katulad ng Kuwarto at Burnout ng
Sugarfree.
Pagkatapos nito, parang biglang
lumabas ang mga bagong kantang OPM na maganda para sa akin. Pagkatapos
ng ilang araw, ang aking playlist sa iPod ay naging puro OPM na.
Mayroong Tadhana ng Up Dharma Down, Pangarap Lang Kita ng Parokya Ni
Edgar, at isang Ingles na kanta ("Take a Chance") na masasabi na OPM pa
rin dahil Pinoy ang kumanta nito.
No comments:
Post a Comment