Noong ika-29 ng Enero, 2013, nanood kami ng nanay, tita, at tatay
ko ng Katy: The Musical bilang pagdiwang ng kaarawan ng Ina ko. Ito ay
tungkol sa buhay ng totoong Katy na Jazz Queen--kung paano siya sumikat,
nagkaroon ng asawa, at umunlad sa industriya ng Broadway kahit umusbong
na ang panahon na sumisikat ang mga pelikula.
Ito
yung pinakaunang beses na nalaman ko ang identidad at kuwento ni Katy.
Ito rin ata yung pinakaunang beses na nakatagpo ako ng ganoong estilo ng
musika, lalo na sa dula. Kakaiba ang boses ni Katy, isang powerhouse na
boses na may guttural na aspeto na maganda. Sobrang galing ng lahat ng
mga gumanap sa kanya, simula nang bata siya hanggang matanda na siya.
Nagandahan ako sa musika kahit hindi ko karaniwang pinapakinggan ang mga
ito at medyo makaluma ito. Para sa akin ang musika ang pinakamagandang
bahagi ng dula.
Nakakatuwa din ang dula. Ang
pinakapaboritong bahagi ko ay ang kung saan sikat na si Katy kaya
kakanta na siya sa Estados Unidos. Pinapabago ang pangalan sa isang
pangalan na Tsino, dahil yun daw ang sikat. Bago kumanta si Katy, sinabi
niya sa lahat ng mga manonood niya na Filipina siya.
Nakakatawa
at nakakaaliw, ang dulang Katy ay puno ng makulay na musika at
magandang kuwento na nagbibigay ng bagong perspektibo sa makabayan na
Pilipino.
No comments:
Post a Comment